Karaniwang Sintomas ng Tulo sa mga Pinoy
Hayon sa pahayag ng DOH, ang kadalasang sintomas ng tulo ay nakadepende sa kasarian ng pasyente. Para sa mga lalaki, ang mga karaniwang sintomas ng tulo ay ang mga sumusunod:
- Mahapding pag-ihi.
- May nana sa ihi (pwedeng kulay puti o dilaw)
-
Masakit at namamagang ari (itlog)
Habang sa mga babae naman, ang mga karaniwang sintomas ay ang mga sumusunod:
- Masakit o mahapding pag-ihi.
- Mas maraming discharge na lumalabas sa ari
- Pagdurugo (kadalasang nangyayari pagkatapos ng pagtatalik)
- Masakit na tiyan
Subalit ang mga sintomas na nabanggit ay pwede rin maging sintomas ng ibang karamdaman tulad ng UTI. Kaya, kung may nararamdaman ang isang tao, mas mainam na magpakonsulta para ma-laboratory at maresetahan ng gamot.
At-Home Gonorrhea Test Kit for 719.95
Maliban sa mga sintomas na nakikita sa ari ng tao, pwede rin magkaroon ng sintomas sa ibang parte ng katawan tulad ng mga sumusunod:
- Puwet (pangangati at may dugo o nana sa puwet)
- Mata (mahapdi, pagmumuta, at pagkasensitibo sa maliwang ng ilaw)
- Lalamunan (masakit at pamamaga ng lalamunan)
Minsan, ang sintomas ay nakadepende sa sanhi ng impeksyon. Hayon sa aral sa Quezon City, ang kadalasang sanhi ng tulo ay gonorrhea at non-gonococcal (kadalasan ay Chlamydia). Base sa STD Center, kung and sanhi ng tulo ay gonorrhea, ang discharge ng babae ay may pagka-dilaw, samantala kung Chlamydia ang sanhi, ang discharge ay may pagka-puti.
Is it Chlamydia or Gonorrhea?
Pero paalala na ang mga sintomas ng tulo ay magkakaiba sa iba’t ibang tao. Pwede rin magkaroon ng sintomas ang isang tao na hindi nabanggit sa artikulong ito. Kaya mas mainam parin na malaman ang totoong sanhi ng sakit para maibigay ng doktor ang tamang gamotan.